Ngayong araw, Marso 20, ipinagdiriwang sa buong mundo ang International Day of Happiness.
Kaugnay nito, ang bansang Finland ang nanguna sa UN World Happiness Report sa ikapitong taon na magkakasunod. Sinundan ito ng bansang Denmark at iceland.
Naging basehan ang social support, income, kalusugan, kalayaan, generosity at kawalan ng korupsiyon sa pagtukoy ng national happiness ng isang bansa.
Batay sa report, ang mga matatandang populasyon ay mas masaya kumpara sa mga kabataan sa mga bansa tulad ng Norway, Sweden, Germany, France, UK at Spain habang kabaliktaran naman sa Portugal at Greece kung saan mas masaya ang mga nakababatang populasyon.
BUmaba naman ang happiness sa mga edad 15 hanggang 24 anyos sa North America habang nakitaan naman ng pagtaas sa Central at Eastern Europe.
Bumaba din ang masasayang populasyon sa Middle east ay North Korea lalo na sa middle age group.
Nananatili namang unhappiest country sa naturang survey ang war-torn countries na Afghanistan at Lebanon.