-- Advertisements --
Isasara ng Finland ang kanilang border sa mga Russian tourist.
Sinabi ni Foreign Minister Pekka Haavisto, na ang pagdami ng mga Russians na nagtutungo sa kanilang bansa ay nalalagay sa panganib ang kanilang international relations.
Paglilinaw naman nito na papayagan lamang ang family visits, ganun din ang work at studies.
Magugunitang maraming mga Russians ang lumikas sa kanilang bansa mula ng ianunsiyo ni President Vladimir Putin ang partial military mobilization.