-- Advertisements --

Itinalaga si Finance Secretary Ralph Recto bilang Cabinet representative ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Pormal na itong nanumpa nitong Lunes kay BSP Governor Eli Remolona Jr.

Ilan sa mga miyembro nito ay sina dating finance Secretary Benjamin Diokno, Bruce Tolentino, Anita Linda Aquino, Romeo Bernardo, at dating
National Treasurer Rosalia De Leon
.
Ang monetary board ay pinamumunuan ng BSP Governor kasama ang limang full-time members nito mula sa pribadong sektor at isang miyembro mula sa Cabinet.