-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni Department of Finance Secretary Benjamin Diokno na sa kabila ng nararanasang pandemya, tumaas ang investment sa bansa at maging ang revenue collection.

Batay sa presentation ni Sec. Diokno sa pagsisimula ng budget deliberation ng Kamara ngayong araw na tumaas aniya ang investment ng bansa kung saan sa unang pitong buwan ay pumalo na ito sa P4.2 billion pesos.

Tuloy-tuloy din aniya ang pagtaas ng revenue collection ng pamahalaan sa halagang P2.04 trillion pesos mula sa tax at non tax revenues.

Ipinunto pa nito na ang revenue collection ng bansa sa nakalipas na pitong buwan ay anim na porsyentong mas mataas sa DBCC approved projection.

Nagpasalamat naman si Diokno sa kongreso sa pagsasabatas ng kinakailangang tax reforms.

Sa pagharap ng DBCC sa budget briefing ng kamara, sinabi ni Diokno na nakatulong ang tax reforms na ito sa macroeconomic fundamentals ng bansa at malampasan ang epekto ng Covid-19 pandemic.

Dagdag pa ng kalihim mabilis ang recovery o pagbangon ng ekonomiya ng Pilipinas.

Patunay aniya dito ang 7.8 percent GDP growth sa 2nd quarter ng taon.

Kabilang naman sa isinusulong na legislative framework ng DOF para matiyak ang mabilis na economic recovery ang package 3 at 4 ng Tax Reform Law o ang real poverty valuation and assessment reform at PIFITA, pagpapataw ng VAT sa digital goods and services, excise tax sa single use plastic bags at rationalization ng Fiscal Mining Regime.

Suprotado rin ng DOF ang military uniformed personel pension reform bill, amyenda sa Landbank at Philippine Crop Insurance corporation charter, at livestock development competitiveness capital market development bills.