-- Advertisements --

Kinumpirma ni Finance Secretary Benjamin Diokno na naging prodktibo ang kaniyang pakikipag-pulong sa World Bank.
Sa isang pahayag sinabi ni Diokno, na isa sa kanilang napag-usapan ay ang suporta ng World Bank sa 8 point socio economic agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kabilang sa agenda ang mga pipeline project at financing support ng World Bank sa Pilipinas at pagpapatibay ng reform agenda ng Marcos administration sa loob ng anim na taon.

Kasalukuyang nasa Amerika si Diokno para sa 2022 annual meeting ng IMF at World Bank.

Ito ang kauna-unahang pagkakaton matapos ang tatlong taon na muling nagpulong ang international community para pag-usapan ang on-going development, challenges at opportunities sa kabila ng Covid-19 pandemic.