-- Advertisements --
Patuloy ang pagpapagaling ni Filipino Olympian at skateboarder Margielyn Didal.
Sumailalim kasi ito sa operasyon sa kanilang left ankle matapos na ito ay ma-fracture.
Nakuha nito ang injury noong lumahok siya sa Red Bull Skate Level.
Nagpasalamat ito sa mga fans na nagpaabot ng pagdarasal para sa agaran niyang paggaling.
Dagdag pa nito na bagamat parte sa paglalaro ang injury ay tiniyak niya na mag-iingat na lamang sa mga susunod paglalaro.