-- Advertisements --
CARLOS YULO

Ibibigay na ng Philippine Olympic Committee ang mga reward para sa mga Pilipinong nakakuha ng mga medalya sa nakalipas na SouthEast Asian Games na ginanap sa Cambodia nitong buwan ng Mayo.

Ayon kay Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino, sa susunod na linggo ay makukuha na ng 260 medalists ang kanilang reward na unang ipinangako sa kanila ng pamahalaan.

Para sa Individual event, ang mga gold medalist ay tatanggap ng P100,000. P50,000 para sa Silver medalist habang P25,000 para sa mga nakakuha ng bronze medal.

Ayon sa POC, si Carlos Yulo ang may pinakamalaking makukuhang reward dahil sa dami ng medalyang naiuwi nito sa bansa na kinabibilangan ng dalawang gold at dalawang silver.

Ibig sabihin P250,000 ang maiuuwi ng nasabing atleta.

Nagpasalamat naman si Tolentino sa mga atleta ng bansa, matapos ang naging matagumpay na kampanya sa SEA Games.