-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Nag-bayanihan ang Filipino community sa Penang, Malaysia para masuportahan ang mga kababayan na nawalan ng trabaho sa gitna ng 2019 COVID-19 pandemic.

Ayon kay Bombo International Correspondent Hermie Camba, marami ang mga Pinoy sa Penang ang nawalan ng trabaho habang may ilan namang napasama sa “no work, no pay” policy ng ilang employers.

Kaya agarang tulong aniya ang kanilang ibinigay sa mga apektadong kababayan, bukod pa ito sa assistance na ibinibigay naman ng Federation of Filipino Association in Malaysia.

Samantala, sinabi ni Camba na mahigpit ang polisiyang ipinapatupad ng Malaysian government sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ang sinumang mahuhuling lalabag sa COVID-19 protocols ay posibleng parusahan nang pagkakakulong, multa o mawawalan ng work visa.