-- Advertisements --
Agaw pansin ang Filipino-American guard na si Remy Martin matapos itong kumpirmahin ng Los Angeles Lakers na kasama nitong araw sa nag-work out habang nalalapit ang NBA Draft.
Si Martin ay bahagi ng Kansas Jayhawks na nagkampeon sa NCAA Division I nitong taon.
Sinasabing si Martin ay posibleng maging second-round pick ng ilang NBA teams.
Ang NBA Draft ay nakatakdang ganapin sa June 23 sa Brooklyn.
Ang 23-anyos na si Martin ang kanyang ama ay si Sam Martin na isang African-American habang ang kanyang Filipina mother naman ay si Mary Ann Macaspac na nagmula sa Pampanga.
Ito ay nagtataglay ng Filipino-American dual citizenship.