-- Advertisements --

Bumuhos ang pagbati mula sa mga football fans matapos ang pag-angat ng Philippine women’s football team ng bansa na Filipinas.

Sa inilabas world ranking kasi ng FIFA ay nasa pang-38 na ang Filipinas mula sa dating 44.

Isa sa naging malaking tulong sa pag-angat ng ranking ng Filipinas ay ang panalo nila sa second round ng AFC Women’s Olympic Qualifying Tournament kung saan nagwagi sila laban sa Chinese Taipei at Iran.

Subalit sa torneo na rin iyon ay tinambakan sila ng Australia 8-0 sa Group A.

Itinuturing ng Filipinas na isang makasaysayan ang taon na ito dahil sa paglalaro nila sa 2023 FIFA Women’s World Cup at ang unang panalo nila laban sa New Zealand.

Noong Setyembre rin ay nakatapak ang Filipinas sa unang pagkakataon sa quarterfinals ng Asian Games.