-- Advertisements --
Naging maganda ang simula ng Olympic qualifier game ng Filipinas football team ng bansa.
Inilampaso nila kasi ang Pakistan sa score na 4-0 sa laro na ginanap sa Hisor Central Stadium sa Tajiskistan.
Naging bida sa panalo si Chandler McDaniel na siyang nakapagtala ng pang-apat na goal.
Ito rin kasi ang muling paglalaro ni McDaniel matapos ang pagliban ng ilang buwan dahil sa injury.
Dahil sa panalo ay nasa unang puwesto ang Pilipinas sa Group E para sa 2024 AFC Women’s Olympic Qualifying Tournament.