Hindi pinaporma ng Philippine women’s football team na Filipinas ang Singapore 7-0 sa kanilang paghaharap na AFF Women’s Championship.
Dahil sa panalo ay solo na nila ang Group A sa laro na ginanap sa Rizal Memorial Football Stadium.
Unang nagtala ng puntos para sa Filipinas si Bella Flanigan sa unang walong minuto at anim na iba pa.
Naging sulit naman ang matinding pagbabantay na ginawa ng Filipinas goal keeper na si Inna Palacios dahil sa hindi nakaporma Singapore.
Sumunod naman na nakapagtala ng puntos para sa Filipinas si Tahnai Annis sa 20th minute habang si Sarina Bolden ay pumasok ang goal sa 38 minutes at magkasunod na pumasok ang goal nina Sara Eggesvik at Kaya Hawkinson.
Sinelyuhan naman ni Anicka Castañeda ang laro ng makapag-goal ito mula sa block ni Singaporean Carleigh Frilles sa 69th minute.
Target ng Filipinas ngayon ang ikatlong panalo sa paghaharap nila laban sa Malaysia sa araw ng Biyernes.










