-- Advertisements --

Tinambakan ng Pilipinas ang national team ng Malaysia, 4-0 upang panatilihin ang pangunguna sa grupo sa ginaganap na 2022 AFF Women’s Championship sa Rizal Memorial Stadium.

Muling nagpakita ang mga Filipinas ng superb passing upang agad na makaiskor ng two goals sa first half pa lamang.

Hindi na nagpabaya ang mga Pinay players at sinundan pa ito ng magkasunod na goal sa second half.

Sa ngayon ang Philippine women’s national football team ay nangunguna pa rin sa standings na meron ng kabuuang nine points sa Group A matapos ang third straight win.

Sumusunod naman ang Thailand na may seven points matapos na talunin ang Singapore sa laro na ginanap sa Binan Football Stadium sa Laguna.

Nasa third spot naman ang Australia kung saan tinalo rin ang Indonesia.

Sunod na makakalaban ng mga Filipina booters ang Indonesia sa laro na magaganap ngayong Linggo, habang sa Martes naman ay kontra sa Thailand.