-- Advertisements --
Lumakas pa ang loob ng mga Philippine womens’ football team na Filipinas dahil sa muling paglalaro ni Chandler McDaniel.
Ang 25-anyos na striker ay kabilang sa 21 player na maglalaro para sa first round ng 2024 Paris Olympic Qualifying Tournament na magsisimula ngayong linngo sa Hisor, Tajikistan.
Matagal na hindi nakasama si McDaniel sa ilang mga friendly games ng Filipinas dahil sa righ ACL injury.
Natamo nito ang injury sa semifinals ng Asian Football Confederation Women’s Asian Cup laban sa South Korea.