-- Advertisements --

Pasok na sa ikalawang round ng 2024 AFC Women’s Olympic Qualifying Tournament ang women’s football team ng bansa na Filipinas.

Ito ay matapos na talunin nila ang Hong Kong 4-0 sa laro na ginanap sa Hisor Central Stadium sa Dusharbe, Tajikistan.

Nakumpleto ng Filipinas ang tatlong match at na-sweep nila ang kanilang kasamahan sa Group E sa unang round ng qualifiers.

Mayroon na silang kabuuang 16 points sa group E ng talunin ang Hong Kong, Tajikistan at Pakistan.

Makakasama na ng Filipinas ang Australia, Japan, China, South Korea at North Korea sa ikalawang round.

Kabilang din na nakausad sa ikalawang round ay ang Vietnam, Thailand, India at Iran.

Gaganapin ang second round ng Olympic qualifiers sa buwan ng Oktubre.