-- Advertisements --

Tiniyak ng Philippine womens football team na Filipinas ang kanilang kahandaan para sa 2023 FIFA Womens World Cup na gaganapin sa Australia at New Zealand simula Hulyo 20 hanggang Agusto 20.

Tanging ang Filipinas ang unang bansa sa Southeast Asia na makakalahok sa FIFA Womens World Cup.

Nagsagawa ng send-off ceremony ang New Zealand Embassy sa Filipinas kung saan itinuturing na isang makasaysayan ang paglahok ng bansa sa nasabing torneo.

Magsasagawa muna ang Filipinas ng training camp sa Australia na magsisimula sa June 10 bago sila ay magtutungo sa New Zealand sa July para sa mga group matches.

Pinasalamatan ni Philippine Football Federation President Mariano Araneta ang mga suporta ng New Zealand Embassy ganun din ang gobyerno ng Pilipinas para mapataas ang kumpiyansa ng national football team ng bansa.

Unang makakaharap ng Filipinas ang Switzerland sa July 21 at New Zealand naman sa Hulyo 25.