-- Advertisements --

Kumpiyansa ang Filipinas football team na makakabawi sila at makapasok sa susunod na round ng AFC Womens’ Olympic Qualifying Tournament.

Ito ay matapos na tambakan sila ng Australia 8-0 nitong Linggo sa laro na ginanap sa Optus Stadium, Australia.

Inasahan kasi ng Filipinas na mauulit nila ang ginawang panalo laban sa Chinese Taipei 4-1 noong nakaraang Huwebes.

Dahil sa pagkatalo ay nangangamba ang kanilang kampanya sa Olympic dahil tanging dalawang nangunang koponan mula sa grupo ang aabanse sa susunod na round.

Susunod na makakaharap ng Filipinas ang Iran sa Nobyembre 1 para sa huling Olympic qualifiers campaign sa Group A.