-- Advertisements --

Napanatili ng Philippine Women’s football team na Filipinas ang kanilang world ranking.

Sa inilabas na world ranking ng FIFA ay nasa pang-53rd place pa rin sila.

Walang paggalaw ang nasabing ranking kahit na mayroong improvement na 1,479.91 points matapos ang tagumpay nila sa Asean Football Federation (AFF) Women’s Championship.

Ang nasabing ranking na rin ay siyang itinuturing na pinakamataas na ranking na nakamit ng bansa.

-- Advertisement --

Hindi rin nagbago ang Filipinas sa standing nito sa Asian Football Confederation (AFC) na nasa pang-11 puwesto.

Sa kasalukuyan ay naka-break ang Filipinas bilang paghahanda para sa FIFA Women’s World Cup na magaganap sa susunod na taon.