Nag-abiso ang Manila International Airport Authority sa lahat ng international at domestic passengers mula Manila na ipa-refund na lang ang mga hindi nagamit na airline tickets.
Ito ay sa kabila ng pagdami pa ng reklamo na natatanggap ng MIAA dahil sa hindi makuhang refund ng mga pasahero noong nagsimula ang pandemic.
Ang tinutukoy ng MIAA na “unused airline ticket” ay ang mga tickets na hindi nagamit ng mga pasahero dahil sa offloading, voluntary cancellation ng flight, at no-show ng mga pasahero bunsod ng travel restrictions.
Responsibilidad umano ng air carrier na iproseso kaagad ang terminal fee refund ng mga pasahero na may hindi nagamit na airline tickets hanggang sa validity period nito na aabot ng 15 buwan mula sa date of issuance.
Dagdag pa ng MIAA, dapat ay sagutin din ng paliparan ang pag-proseso sa terminal fee refund ng mga pasahero sa oras na matapos ang expiration date ng ticket at iba pang corresponding terminal fee ay dapat ipadala ng air carrier sa MIAA.
Kapag natanggap na ito ng MIAA ay saka lamang nito ipo-proseso ang terminal fee refund ng mga unused airline tickets sa MIAA Administration building sa Pasay City o sa pamamagitan ng online transaction.
Kailangan lamang ipakita ng mga pasahero ang kanilang airline tickets na may locator number at code “LI” bilang proof of terminal fee payment at PSC refund declaratio form, gayundin ang valid government ID ng claimant.