Nagtapos sa ika-apat na puwesto ang Philipinne golfer na si Yuka Saso sa 2021 Walmart NW Arkansas Championship na ginanap sa Pinnacle Country Club in Rogers, Northwest Arkansas.

Tinapos ng Filipino-Japanese golfer ang torneyo na mayroong total na 199 at 14-under par 71 sa lahat ng 54-hole sa tatlong araw na torneyo.

Ang naturang tournament ay bahagi ng LPGA tour ngayong taon.

Dahil sa fourth-place finishi, tatanggap ang Olympian na kinatawan ng bansa sa Tokyo Olympics ng $104,506 o katumbas ng mahigit P5.2 million na cash prize.