-- Advertisements --

Gumamit ang Utazz Jazz ng walang humpay na tirada sa three points upang ipatikim sa Milwaukee Bucks ang unang talo sa homecourt 131-118

Sa tindi ng init ng Jazz naitala nila ang franchise record na 25 three pointers para bumangon sa dalawang magkasunod na talo.

Ang Jazz din ang unang team sa NBA history na merong limang players na nagposte na hindi bababa sa apat na three pointers sa isang game.

Nanguna sa opensa ng Utah si Donovan Mitchell na may 32 points.

Pero hindi nagpahuli ang Fil Am na si Jordan Clarkson ng kumamada ng 26 points.

Kasama na rito ang limang three points mula sa 12 attempts.

Bago pa man amg laro kapansin pansin ang pagpapakitang gilas ni Clarkson mula sa bench na may 16.7 points scoring average.

Sa ngayon hawak na ng Jazz ang 5-4 record.

Nasayang naman ang 35 points na nagawa ng two-time MVP na si Giannis Antetokounmpo.

Ang Bucks ay meron ding 5-4 record.