-- Advertisements --
Sabik na sumabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam si Filipino-American Ariana Drake.
Si Drake ay siyang nag-iisang pambato ng bansa sa SEA Games.
Magsisimula ang diving events ngayong Mayo 8, sa My Dinh Aquatics Center sa Vietnam.
Sinabi ni Philippine Swimming Inc. president Lailani Velasco, na ang 17-anyos Los Angeles based na si Drake ay lalahok sa women’s 1-meter springboard at pagkatapos ng dalawang araw ay sa 3-meter springboard naman ito.
Tiniyak naman nito na may malaki ang tsansa ng bansa na makahakot ng medalya sa nasabing torneo.










