-- Advertisements --

Itinuturing ni Philippine Football Federation (PFF) General Secretary Edwin Gastanes na isang inspirasyon ang pagbisita sa bansa ng trophy na mapapanalunan ng magkakampeon sa FIFA Womens World Cup.

Nasa bansa kasi ang trophy at ito ay nakalagay sa isang mall sa lungsod ng Makati.

Sinabi pa ni Gastanes na ang presensiya ng trophy ay isang testamento na ginawa ang football para sa kababaihang Filipina.

Magandang senyales din ito dahil isinabay ang pagbisita ng trophy sa pagdiriwang ng women’s month.

Bukod sa Filipinas Team Manager Jefferson Cheng at ilang mga manlalaro ng koponan ay personal na nagtungo rin sa lugar sina FIFA Trophy Tour Senior Manager Sarah Gandoin, Australian Ambassador to the Philipines HK Yu at New Zealand Ambassador to the Philippines Peter Kell.

Magsisimula ang FIFA Womens World Cup sa Hulyo 20 kung saan ka-grupo ng national team sa Group A ang Norway, Switzerland at co-host country na New Zealand.