-- Advertisements --
Itinuturing ngayon ng FIFA na ang 2023 Women’s World Cup sa Australia at New Zealand ay nakatakdang may pinakamaraming manonood sa isang womens’ sporting event sa kasaysayan.
Aabot na kasi sa 1,032,884 na tickets ang naibenta para sa nasabing torneo.
Dahil dito ay nalampasan na niya ang 2019 World Cup na ginanap sa France.
Sa unang laro ng Australia laban sa Ireland ay inilipat ang venue sa Stadium Australia sa Sydney na mayroong capacity na 83,000.
Gaganapin ang Women’s World Cup mula Hulyo 20 hanggang Agosto 20.