-- Advertisements --

Nakapagbenta na ng mahigit 1.8 milyon tickets ang organizers ng FIFA World Cup 2022 na gaganapin sa Doha, Qatar.

Ayon sa football governing body na FIFA ito lamang ang bilang ng unang round ng pagbebenta nila ng tickets.

Mayroong special category ng ticket para lamang sa mga residente ng host nation Qatar at fans sa Gulf Arab states.

Ang nasabing bansa kasi ay itinturing na mayroong mataas na bilang ng mga nakabili ng tickets.

Ang ibang mga bansa na nakabili ng maraming tickets ay mula sa England, France, Canada, Germany, India, Saudi Arabia, Spain, United Arab Emirates, at US.

Gaganapin naman sa Hulyo 5 ang ikalawang round ng pagbebenta ng tickets para sa World Cup.

Magaganap ang FIFA World Cup 2022 mula November 21 hanggang Disyembre 18 sa Doha, Qatar.