Naglabas ng kautusan ang FIFA na dapat ang lahat ng mga babaeng koponan sa mga world tournaments ay babae rin ang kanilang head o assistant coach.
Ang nasabing bagong panuntunan ay inaprubahan ng FIFA Council.
Magiging epektibo ito sa national at club competitions sa senior at youth levels.
Sakop din nito ang 2027 Women’s World Cup na gaganapin sa Brazil.
Ganun din ay magiging epektibo rin sa Under-20 Women’s World Cup na gaganapin sa Brazil.
Bukod sa mga babaeng head o assistant coach ay dapat magkaroon din ng mga presensya ng nasa isa o higit pang mga babaeng staff sa bawat bench.
Sinabi ni FIFA chief football officer Jill Ellis na dapat ay simulan na ng mga bansa na kumuha ng mga babaeng coach ng football.
Noong 2023 World Cup ay mayroong 12 na babaeng coach sa kabuuang 32 na koponan.
















