-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Dinagsa ng maraming tao ang isinagawang makulay at masayang Fiesta Bicolandia sa pangunguna ng Department of Tourism (DOT) sa lungsod ng Legazpi.

Mula pa sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon ang mga turista na nagtungo sa lungsod upang masaksihan ang makulay na aktibidad.

Kanya-kanyang pasikat ang mga kinatawan mula sa anim na lalawigan ng Bicol sa Festival Street Dance Parade and Showdown.

Hindi rin maiwasan na dumugin ng maraming manonood ang aktibidad lalo pa at nasa dalawang taon na hindi ito naisagawa dahil sa coronavirus disease pandemic.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PSO chief Rolly Esguera, upang maiwasan ang traffic sa lugar, nagpatupad ang lokal na pamahalan ng rerouting sa biyahe ng ma sasakyan habang nakaroon rin ng road closure.

Naglagay din mga tauhan ang Public Safety Office at PNP upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko lalo pang may ilang pasaway na indibidwal ang nananamantala sa mga ganitong aktibidad.

Nagbigay naman ng pasasalamat ang opisyal sa pakikipagtulungan ng publikon kung kaya’t naging matagumpay ang naturang aktibidad.