-- Advertisements --
Tinuldukan ng Converge FiberXers ang dalawang sunod na pagkatalo matapos talunin ang Terrafirma 97-84 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.
Bumida sa panalo si Mike DiGregorio na nagtala ng 19 points habang mayroong 17 points ang naitala ni Maverick Ahanmisi.
Mayroon ng dalawang panalo at tatlong talo ang Converge habang wala pang panalo ang Terrafirma sa apat na laro.
Sinabi ni FiberXers coach Jeff Cariaso na tiniyak sa kaniya ng mga manlalaro na sila ay babangon para makakuha ng maraming panalo.