-- Advertisements --
Naitala ng koponang Converge ang kanilang kauna-unahang panalo sa liga matapos talunin ang Magnolia 89-82 sa kanilang overtime sa 2022 PBA Philippine Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.
Hindi na binigyan pa ng pagkakataon ng FiberXers ang Timplados na makapuntos sa overtime period.
Bumida sa panalo ng Converge si Jeron Teng na nagtala ng 19 ponts habang mayroong tig-14 points sina Maverick Ahanmisi at RK Ilagan.
Naging malaking hamon sa Converge ang panalo matapos na umabot ng hanggang 20 points ang kalamangan ng Magnolia.