-- Advertisements --
Ipinakita na ng FIBA ang opisyal na bola na gagamitin par sa finals ng 2023 FIBA Basketball World Cup Championship.
Kasama ng FIBA ang sports brand na Molten na siyang bola na gagamitin para sa final.
Mula pa kasi ng pagsisimula ng World Cup noong Agosto ay gumagamit na sila ng BG5000 na Molten.
Nakalagay sa bola ang ilang mahahalagang detalye gaya ng pangalan ng torneo, ang Naismith trophy na mayroong gold engraving at ang petsa ng finals sa darating na Setyembre 10.