-- Advertisements --
Hinalughog ng federal agents ang apartment ng dating abogado ni US President Donald Trump na si Rudy Giulliani.
May kaugnayan ito sa isinasagawang imbestigasyon ng federal prosecutors sa aktibidad nito sa Ukraine.
Kabilang na dito ang ginawa umano nitong pag-lobby sa mga Ukrainian offiicals para idiin ang mahigpit na katunggali noon sa pulitika ni Trump na ngayon ay si President Joe Biden.
Bitbit ng mga federal agents ang search warrants at hinalughog ang Manhattan apartment ni Guilliani.
Hindi naman nagbigay ang Manhattan US Attorney’s Office sa nasabing usapin.