-- Advertisements --
May alok ang FBI ng nasa $200,000 o katumbas ng mahigit P12 milyon sa sinumang makakapagturo sa kinaroroonan para maaresto ang dating Air Force intelligence specialist na si Monica Witt.
Si Witt ay nahaharap sa kasong pang-iisipiya para sa Iran noong 2019.
Naniniwala ang FBI na maaring tumira na o nagtago na sa Iran si Witt mula pa noong 2013.
Sinabi ni Daniel Wierzbicki ang special agent in charge ng FBI Washington Field Office’s Counterintelligence and Cyber Division na hindi sila titigil para sa agad na pagkaaresto kay Witt.
















