-- Advertisements --
Iniimbestigahan na ng FBI at mga tax authorities ang balitang kumalat sa isang website na halos walang binayarang buwis ang mga US billionaires.
Lumabas kasi sa ProPublica na walang binayarang buwis si Amazon CEO Jeff Bezos nong 2007 at 2011 habang si Tesla CEO Elon Musk ay walang binayarang buwis noong 2018.
Tinawag ng White House ang nasabing mga leak information bilang iligal.
Ang ProPublica ay isang investigative website na sumulat na ng maraming mga artikulo na tumatalakay sa mga budget cuts sa US Internal Revenue Service.