-- Advertisements --
Kinansela ng legendary band na Aerosmith ang ilang petsa ng farewell tour.
Ito ay matapos na dapuan ng injury sa kaniyang vocal cords ang lead singer ng banda na si Steven Tyler.
Nakuha nito ang sakit sa isa nilang concert noong nakaraang Sabado.
Sa social media post ng 75-anyos na si Tyler na labis siyang nalulungkot sa nasabing desisyon.
Sinunod lamang niya ang payo ng kaniyang mga doctor na huwag munang kumanta ng hanggang 30- araw.
Pagtitiyak nito na magpapahinga muna ito at pagbalik niya ay itutuloy ang nasabing mga konsiyerto.