Ikinalungkot ng kanyang Pinoy fans na hindi makapaglalaro sa FIBA World Cup 2023 si 2019 at 2020 NBA Most Valuable Player Giannis Antetokounmpo.
Ang binansagang “Greek Freak” ay kabahagi sana ng koponan ng bansang Greece na nasa Group C.
Pero sa halip na si Giannis, maglalaro pa rin naman ang kaniyang kapatid na si Thanasis Antetokounmpo mula sa Milwaukee Bucks.
Samantala, patuloy namang nagpapatupad ng fine tuning sa ilang mahahalagang detalye ang organizing committee ng FIBA.
Ayon kay Erika Dy ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, inaangkop lamang nila ang mga adjustment base sa pagdating ng mga personalidad, kasabay ng konsiderasyon sa panahon at iba pang schedule.
Gayunman, wala umano silang nakikitang malaking suliranin sa mga paghahanda dahil halos nasusunod naman ang mga nakabalangkas na plano.
Aprubado rin sa FIBA ang mga venue ng laro, lugar para sa delegasyon at ang latag ng mga dadaanan ng mga bisita.