-- Advertisements --
Nakatakdang isubasta ni nine-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo ang kaniyang kaniyang kauna-unahang MVP trophy.
Sinabi nito na ang pondo na malilikom dito ay kaniyang ibibigay bilang tulong sa mga nasalanta ng bagyong Tino sa Cebu kung saan siya isinilang.
Sinabi ng 35-anyos na si Fajardo na kaya niya napili ang unang MVP trophy niya dahil ito ang resulta ng kaniyang pagsusumikap sa paglalaro ng basketball.
Nasa pangalawang taon pa lamang niya sa PBA ng makuha nito ang award at malapit sa puso niya ang mga taga-Cebu.
















