-- Advertisements --
cropped BJMP New Bilibid Prison 23

Maayos ang inisyal na pagtaya ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa muling pagpapatupad nila ng face to face o in person visitation sa mga bilanggo o persons deprived of liberties.

Sinabi ni Bureau of Jail Spokesman Jail Supt. Xavier Solda na 478 na mga district jail  sa buong bansa ang pinayagan na ang face to face visitation.

Binigyang-diin ni Solda na bago nila ibinalik ang in-person visitation, malaking konsiderasyon ay ang vaccination coverage ng mga preso at mga personnel ng BJMP, lagay ng community transmission, at  bilang ng mga kaso sa mga kulungan.

Para sa mga kulungan na masikip, sinabi ni solda na magpapatupad sila ng adjustments sa bilang ng mga bibisita sa mga preso.

Ayon kay Solda, 25% ng total jail population ang pwedeng makadalaw muna, dahil hindi lang health concern ang kanilang iniisip kundi maging ang security concerns din sa mga pasilidad.