-- Advertisements --

LAOAG CITY – Ipinaliwanag ni Atty. Bernie Constantino, dating Integrated Bar of the Philippines (IBP) – Laoag City, Ilocos Norte Chapter na ang extradition treaty ay bahagi ng international Law, isang usapan o kontrata ng dalawang nasyon gaya ng Pilipinas at Amerika.

Aniya, naglalaman ang nasabing batas na kung ang isang tao ay nakagawa ng krimen sa Estados Unidos at magtungo sa Pilipinas ay hindi maaaring agad na maaresto kahit may kaso ito mula sa Amerika at warrant of arrest.

Samantala, sinabi ni Constantino na dahil sa extradition treaty ay may obligasyon ang Pilipinas na isuko mismo ang akusado kung may koordinasyon ang Amerika.

Ani Constantino, maaaring papasukin ng mga otoridad mula sa Amerika upang ito ang mismong umaresto sa akusado.

Ang pahayag ni Atty. Constantino ay may kaugnayan sa unang report na maaaring maging kumplikado kung magagawa ang extradition kay Pastor Apollo Quiboloy, ang kinikilalang “appointed Son of God” ng Kingdom of Jesus Christ matapos masama ito sa wanted list ng Federal Bureau of Investigation (FBI) dahil sa kason human at sex trafficking.