-- Advertisements --

Dismayado ang whistleblower at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member na si Sandra Cam matapos harangin ng komite sa Kamara ang dapat sana’y paglalahad niya ng umano’y korupsyo sa loob ng ahensya.

Agad kasing tinapos ng House Committee on Games and Amusement ang hearing nitong araw nang ipatawag ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga ang mosyon.

Ayon kay Cam, nakakasama ng loob ang hindi pagbibigay tsansa sa kanya ng komite dahil sinikap umano nitong makadalo kahit may sakit.

Bitbit daw kasi nito ang mga dokumento at ebidensyang magpapatibay sa kanyang mga alegasyon.

Kung maaalala, dati ng iginiit ng PCSO board member na ilang matataas na opisyal kabilang na ang mga retired military generals ang sangkot sa korupasyon sa loob ng government gaming agency.