-- Advertisements --
image 33

Humarap sa unang pagkakataon si US President Donald Trump sa kaniyang mga tagasuporta sa Mar-a-Lago estate nito.

Ginawa ni Trump ang naturang hakbang kasunod ng pagharap nito sa korte sa Manhattan kung saan naghain ito ng not guilty plea sa 34 na bilang ng felony dahil sa pagpalsipika ng business records na nagbunsod sa hush money na ibinayad sa porn star na si Stormy Daniels noong 2015 presidentil campaign upang patahimikin ito at huwag ibunyag ang kanilang nakalipas na relasyon upang hindi makasira sa kaniyang pagtakbo noon bilang Pangulo ng Amerika.

Inihayag ng dating US President na ni kailanman hindi niya naisip na mangyayari ang ganito sa kanilang bansa at ang tanging krimen na kaniyang nagawa ay ang pagdepensa sa kanilang bansa ng walang takot mula sa mga nais na sumira.

Sinabi din ni Trump an ang indictment laban sa kaniya ay panibagong pagtatangka ng Democrts para patikupin siya gaya ng mga fraudulent investigations sa Russia at Ukraine.

Iginiit din ni Trump na ginagawa ng oposisyon ang lahat ng kanilang makakaya upang maisakdal ang ika-45 Pangulo ng Amerika.