-- Advertisements --
Pumanaw na si dating US defense secretary Ashton Carter sa edad 68.
Kinumpirma ito ng kaniyang kaanak kung saan bigla umano itong inatake sa puso.
Si Carter ay naging defense
secretary ni dating US President Barack Obama mula Pebrero 2015 hanggang Enero 2017.
Pinuri naman ni US President Joe Biden si Carter kung saan siya kasi ang Vice President noong nasa defense department pa si Carter.
Sa panahon nito ay dinagdagan nila ang puwersa ng mga sundalo sa Middle East para labanan ang ISIS.
Sa panunungkulan din niya ay pinalawig ang papel ng mga kababaihan sa pakikipagdigma at ang pagtanggal ng pagbabawal ng transgender na sumali sa military.