Nilinaw ni dating House Speaker at ngayon ay Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, na hindi niya itinuturing na oposisyon ang kaniyang sarili, sa kabila ng pagkalas nito sa administration party na Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban).
Matatandaang nagbitiw si Alvarez bilang secretary general ng ruling party, matapos nitong tanggapin ang posisyon para pamunuan ang isang maliit na political group na Reporma.
Ayon kay Alvarez, naka-focus ang kanilang grupo sa local level, kaya maaari pa rin nilang suportahan ang mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Iginiit din nitong wala silang pakikipag-alyansa sa hanay ng Liberal Party (LP) o iba pang grupo, dahil nasa proseso pa lang sila ng revival, ng isang lumang political party na itinatag ni dating Defense Secretary Renato de Villa.










