CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi na ipinasa-ilalim pa ng pamilya ng otopsiya ang mga labi ng isang dating pari na nagsunog-patay ng sarili gamit ang gasolina sa madamo na bahagi ng Zone 4,Barangay Kauswagan,Cagayan de Oro City.
Ito ay batay sa salaysay ng pulisya na nagsasagawa nang imbestigasyon sa sinapit ng biktima na si Niel Gales,49 anyos,binata na residente nitong lungsod.
Sinabi sa Bombo Radyo ni Carmen Police Station commander Maj.Mario Mantala Jr na aminado umano ang pamilya na dumaan sa malaking pagsubok ang biktima dahilan na nagka-mental breakdown ito.
Inihayag ni Mantala na wala naman silang nakita na indikasyon na mayroong foul play sa nangyari sa biktima.
Natuklasan na taong 2011 pa lumabas bilang pari ang biktima dahil sa hindi nila pagkaka-unawaan ng kanyang obispo.
Si Gales ay nakapagtapos ng kursong nautical subalit hindi nakasakay ng barko dahilan na pumasok ito ng bokasyong pagka-pari.