-- Advertisements --
Sinurpresa ni dating President at Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo si dating President Rodrigo Duterte sa kanyang bahay sa Davao City.
Una rito, dumalo raw si Arroyo sa kaarawan ng kalapit nitng kaibigan sa Davao City.
Dahil dito, sinamantala na rin daw ng kongresista na bisitahin si dating Pangulong Duterte.
Tumagal daw ng isang oras ang pagbisita ni Arroyo sa dating pangulo.
Noong katapusan ng Hunyo ay nanumpa si Arroyo bilang kongresista kay Pangulong Duterte sa Malacanang.
Kung maalala si Vice President Sara Duterte ay tumakbo sa ilalim ng partido na pinangungunahan ni Arroyo, ang Lakas-CMD.