-- Advertisements --
Nasa kustodiya na ng kapulisan ng Manhattan sa New York si dating US President Donald Trump.
Isinagawa ang pag-aresto pagdating niya sa district attorney’s office sa lower Manhattan ilang oras bago isagawa ang pagbasa ng kaniyang sakdal.
Matapos na makuhanan ng fingerprint at mugshot ay dadalhin ito sa korte at doon babasahan ng sakdal.
Hindi na ito nagpaposas at mananatili sa kustodiya ng kapulisan.
Gumawa ng kasaysayan si Trump dahil siya lamang ang pangulo o dating pangulo na kinasuhan ng krimen.
Inireklamo si Trump dahil sa pagbabayad ng mahigit $100,000 sa adult actress na si Stormy Daniel para ito manahimik at hindi masira ang kaniyang kampanya nito sa pagkapangulo noong 2016.