ILOILO CITY – Arestado ang isang dating pulis at tatlo pang kasamahan nito sa buy bust operation sa Barangay Bigke, Leganes, Iloilo.
Ang mga subject ng operasyon ay sina dating Patrolman Andy Aspero, 33-anyos; Jovan Zarragosa, 22, ng Barangay Tabuc Suba, Jaro, Iloilo City; John Joseph Ravena, 28, ng J.C. Zulueta St, Oton, Iloil; Liza Dionora, 39, ng Barangay Poblacion, Calinog, Iloilo; at Joremae Mina, 31, ng Barangay Bakhaw, Mandurriao, Iloilo City.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Jonathan Pinuela, pinuno sang Provincial Drug Enforcement Unit, sinabi nito na humigit-kumulang isang milyong piso ang halaga ng hinahalaang shabu ang nasabat ng mga otoridad.
Si Aspero ay dating na-assign sa Iloilo City Police Station 1.
Ayon kay Pinuela, nagsisilbi ring runner ang dating pulis kung saan sa loob ng New Bilibid Prison nangyayari ang transakyon na siyang nag-aabot ng droga sa mga parokyano.
Isa ring High Value Target Level 2 si Aspero at sinipa sa serbisyo noong 2013 dahil sa kasong grave misconduct.