-- Advertisements --
General Oscar Albayalde
Philippine National Police chief General Oscar Alyalade

Epektibo nitong Biyernes ay retired na sa serbisyo si dating PNP chief Gen. Oscar Albayalde.

Ayon kay Banac, wala nang magaganap na retirement honors para sa dating pinuno ng pambansang pulisya.

Pinili kasi ni Albayalde na hindi na i-avail ang retirement ceremony.

Sa panig naman ni DILG spokesman Usec. Jonathan Malaya, sinabi nito na makukuha pa rin ng buo ni Albayalde ang lahat ng kaniyang mga benepisyo bilang pulis.

Gayunman, sakaling sampahan si Albayalde ng mga kasong administratibo at kriminal at napatunayan ang kaniyang pagkalasala, maaaring bawiin ng estado ang mga benepisyong kaniyang natanggap.