-- Advertisements --
Handang tumulong si dating NBA star Dennis Rodman para mapalaya si WNBA star Brittney Griner na nakakulong sa Russia.
Sinabi ng beteranong NBA player na handa itong kausapin si Russian President Vladimir Putin para magkaroon ng prison swap na nakulong WNBA star.
Naging susi kasi si Rodman sa pagpapalaya sa American prisoner na si Kenneth Bae noong ito ay nagtungo sa North Korea.
Nagkaroon din ito ng magandang pakikipagkaibigan kay North Korean lider Kim Jong Un.
Sa isang panayam ipinagmalaki ni Rodman na kakilala niya personal si Putin at handa nitong kausapin.
Magugunitang nakakulong si Griner sa Russia noong Pebrero matapos na makuhanan ng isang pinagbabawal na substance mula sa kaniyang vape cartridge.