-- Advertisements --

NAGA CITY – Nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) si dating Naga City Mayor John Bongat at dating First Lady Farah Bongat.

Ito ang kinumpirma mismo ng asawa ng dating alkalde na si Farah sa kanyang Facebook post.

Humingi naman ito ng pasensya sa mga posibleng kanilang nakasalamuha at agad na nagpaalala na sumunod sa precautionary measures.

Samantala sa opisyal na pahayag ni Naga City Mayor Nelson Legacion, nagpasalamat ito sa ginawang hakbang ng pamilya Bongat na lakas loob na pagsasapubliko ng kanilang identity para sa contact tracing.

Ayon sa alkalde, malaking tulong ito upang mas mapadali ang pagtukoy sa mga nakahalubilo ng mag-asawa.

Kaagad na itong nanawagan sa mga posibleng nakasalamuha ng mag-asawang Bongat na agad na dumulog sa City Health Office upang agad na isailalim sa swab test.