Ibinunyag ng grupong nagpakilalang “ex-Marines” sa pagdinig ng Senado ngayong Huwebes, Hunyo 4, na nakipagkita umano si dating House Speaker Martin Romualdez at dating Senador Antonio Trillanes IV sa mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC).
Ayon sa isang testigo, na dati umanong staff ni dating Cong Zaldy Co, nagbibigay ng security ang grupo ng mga sundalo sa mga dayuhang bisita na nag-iikot at nakikipagpulong sa mga lokal na politiko.
Naganap umano ang mga pagtitipon simula Disyembre 2023.
Inihayag ng testigo na nakipagpulong si Trillanes sa isang hotel sa Makati, habang si Romualdez at Rep. Zaldy Co ay nakipagkita umano sa mga dayuhan sa isang townhouse sa McKinley.
Ayon naman sa isang witness, pinapapalit umano niya ang 2 maleta na may lamang P50 milyon hanggang P60 milyon bawat isa sa dolyar para umano ibigay sa ICC.
Nauna naman ng mariing itinanggi ni Trillanes ang mga akusasyon kabilang ang paratang na tumanggap siya ng milyun-dolyar na pondo at naghain na ng mga kasong kriminal laban sa 18 “ex-Marines” at abogadong naghain ng reklamo. Tinawag niya itong gawa-gawang bribery scheme para siraan ang proseso ng ICC.
Mariin ding pinabulaanan ng ICC ang mga paratang na sila ay pinopondohan ng mga lokal na politiko at pinaninindigan ang kanilang independence.
















